SULATIN #5 - Diploma o Diskarte?

 

 Diploma o Diskarte
    Ano nga ba ang mas mahalaga sa dalawang ito? Para sa akin mahalaga ang dalawang ito dahil mas maayos ang magiging proseso kung ito naman ay kayang pagsabayin. Mahalaga ang diploma dahil isa ito sa unang hinahanap kung tayo ay magtatrabaho sa hinaharap. Mahalaga naman ang diskarte dahil mas magiging maayos ang daloy ng ating kinabukasan kung tayo ay may diskarte.

      Mahalaga na tayo ay marunong dumiskarte at may edukasyon. Ang diploma ay nagiging basehan ng ibang tao kung ikaw ba ay matalino o sakto lamang, aminin man natin o hindi ay dito sa ating bansa kung ikaw ay walang diploma ay tingin nila sayo ay wala ka rin magiging maayos na kinabukasan. Nawa na ang ibang tao ay hindi gawing basehan ang diploma sa pag tingin sa estado ngbuhay o pag uugali ng isang tao. Ang diskarte ay maaring maging daan upang tayo ay makakuha ng diploma.

      Sa kabuuan, mas magiging maayos at maganda ang ating kinabukasan kung tayo ay praktikal pagdating sa mga ganitong bagay. Maari natin kayanin na pagsabayin ang diploma at diskarte. Kung tayo ay may diploma  ay maari tayong makakuha ng trabaho na may kalakihan ang sweldo. Kung tayo ay may diskarte, mas magiging maayos ang ating hinaharap o kinabukasan dahil kung hindi rin tayo madiskarte ay mapupunta lamang ang lahat ng ito sa wala.


No comments:

Post a Comment

SURING BASA - Detective Files   Sta. Lucia High School #  30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia, Pasig City  Detective Files  ni Tammii G...