Ano nga ba ang kahulugan ng aking pamagat? Ito ay may maayos na kahulugan na hindi ko makita ang aking sarili sa mga bagay na hindi ko gusto. Halimbawa na rito ay ang aking magiging trabaho sa hinaharap. Ang hindi natin pagkakakita sa bagay na hindi para sa atin ay hindi isang kabiguan, kundi isang gabay upang mahanap ang tunay na landas na nararapat sa ating mga puso.
Kung pipilitin ko ang sarili ko na maging doctor ay hindi ko rin ito magugustuhan, maaari rin akong mawalan ng gana para ito ay ipagpatuloy pa. Ang gusto kong mag bukol sa aking buhay ay aking pagiging matagumpay na Arkitekto. Pagiging Arkitekto ang gusto ko sa buhay at hindi ko pipilitin ang aking sarili na iba ang aking gustuhin sa hinaharap, hindi laging madali ang pagtanggap sa mga bagay na tila "hindi para sa atin", Ngunit mahalagang maunawaan na ang buhay ay hindi palaging tungkol sa pagkamit ng lahat ng ating hangarin. Ang tunay na tagumpay ay matatagpuan sa pagkilala sa kung ano ang nararapat at akma sa atin. Sa ganitong paraan, nagiging mas bukas tayo sa pagtanggap ng mas magagandang oportunidad at mas makabuluhang layunin.
Sa bawat pagkabigo, may leksyon. Sa bawat pintuang nagsasara, may bagong pintuang nagbubukas. Hindi man natin makita ang bagay na hindi para sa atin, mahalagang magtiwala tayo sa proseso ng buhay. Ang mga bagay na nararapat para sa atin ay darating sa tamang panahon, hindi sa pamamagitan ng pwersa, kundi sa pamamagitan ng natural na daloy ng ating kapalaran.
No comments:
Post a Comment