Ang Ganap sa Kaniyang Buhay
Ang estudyanteng ito ay may astig na personalidad, siya si Zhy Sadang. Siya ay labing-anim na taong gulang, siya ay anak nina Judith Sadang at Ramon Sadang, nasabi ko na ang estudyanteng ito ay astig dahil marami siyang hilig at mga gustong gawing bagay.
Siya ay may pangarap na maging isang matagumpay na Arkitekto, pangarap niya rin makapunta sa ibang bansa na kaniyang pangarap. Isa sa kaniyang mga gusto at pangarap ay mabigay at maayos pa lalo ang buhay at kinabukasan ng aniyang pamilya. Para sa kaniya, ang tagumpay ay hindi lamang tungkol sa sarili, kundi pati na rin sa kapakanan ng mga mahal niya sa buhay. Siya ay patunay na sa bawat pagsusumikap at pangarap, laging may pag-asa para sa isang magandang kinabukasan.
Bukod sa kaniyang mga pangarap, si Zhy ay may maraming hilig na nagpapakita ng kaniyang makulay na personalidad. Siya ay mahilig sa sining at disenyo, na siyang nagbibigay inspirasyon sa kaniyang buhay. Sa kabila ng mga hamon sa buhay, nananatili siyang matatag at determinadong maabot ang kaniyang mga layunin. Ang kaniyang astig na personalidad ay hindi lamang nakikita sa kaniyang mga hilig, kundi pati na rin sa kaniyang malasakit sa pamilya at determinasyong magtagumpay sa buhay.
No comments:
Post a Comment