SULATIN #3 - Munting Bilang ng mga Kaligayahan


                                                                                                                         

 

  Tunay na Kaligayahan

        Ang aking mga naging kaligayahan ay marami, isa na rito ang nabuhay ako sa mundong ito na mayroong maganda at maayos na pamilya. Lahat tayo ay may kaligayahan sa mundong ito, isa na rin sa aking kaligayahan ang aking mga kaibigan. Marami rin akong gustong mangyari sa hinaharap na alam ko sa aking sarili na makatutulong ito sa akin na lumigaya.

        Ako ay magiging maligaya sa hinaharap kung ang aking mga pangarap sa buhay ay aking makakamit. Ang pinaka kaligayahan ko na gusto kong magawa sa hinaharap ay maging matagumpay sa buhay kasama ang aking mga magulang. Pangalawa na makakapagpaligaya sa akin sa hinaharap ay makapag tapos sa pag-aaral at makamit ang matagal ko nang pinapangarap. Pangatlo ay ang aking mga kaibigan, labis akong napapasaya ng aking mga kaibigan lalo na sa mga panahon na sobrang daming tumatakbo sa aking isip at gustong mag pahinga sa nakakapagod na araw, maituturing ko na swerte ako dahil dumating at nakilala ko sila sa aking buhay.

        Sa kabuuan, labis ang aking kaligayahan lalo na kapag kasama ko ang aking pamilya at nararamdaman ko na todo ang kanilang suporta sa amin. Labis din ang aking kaligayahan at pasasalamat sa aking mga  kaibigan, pinaparamdam nila sa akin na sila ay masaya para sa akin at laging nakasuporta sa lahat ng aking mga plano o gagawin sa aking buhay. 


No comments:

Post a Comment

SURING BASA - Detective Files   Sta. Lucia High School #  30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia, Pasig City  Detective Files  ni Tammii G...